Sa Wakas – Eto na Yung Kimchi Recipe!

Pasensya na sa matagal na paghihintay sa kimchi recipe. Overall, hindi sya mahirap gawin. Wag sana kayong ma-discourage sa haba ng instructions ko. Matagal lang yung proseso, pero sulit na sulit ang resulta. Naging matagal din para sa akin yung pagsusulat mismo nung recipe at pag-aayos ng mga pictures na gagamitin ko, pero kita nyo naman, kumpleto ang lahat ng information na kailangan ninyo.

Gaya ng sinabi ko nuong una, ang kimchi recipe na ito ay naging posible lamang dahil sa walang-damot na pagbabahagi ni Lady Darna, na isang Nanay at bagong bayaning Pinay (OFW). Natutuhan nya ang recipe na ito habang pansamantalang naninilbihan sya sa isang pamilyang Koreano.

Kimching-kimchi na ba kayo? Tara na, kimchi-hin na naten ito!

Ingredients
4 kilong Pechay Baguio
400 grams Chili Powder
3 piraso Carrots
2 piraso Korean Radish
1/4 kilong Onion Leeks
1/8 kilong Kuchay
1/8 kilong Spring Onion
1/4 kilong Rock Salt
1/4 kilong Luya
1 tasang patis
1/2 tasang bagoong alamang
2 malaking pirasong puting sibuyas
2 ulo ng bawang
2 pirasong mansanas
1 pirasong peras
1 tasang malagkit powder

Paghahahanda

Pechay
1. Wag hugasan ang pechay.
2. Hatiin sa gitna ang pechay.

Hatiin sa gitna ang mga pechay.


3. Lagyan ng asin ang bawat piraso ng dahon ng pechay. Ang asin ang magsisilbing panglinis ng pechay. Ito rin ang “magpapalata” sa pechay.

Asinan ang bawat dahon ng pechay.


4. Itabi ng mga 1 oras o hanggang sa manlata ang pechay.

Hintaying maging lantang gulay ang pechay. Seryoso!


5. Tanggalin ang asin sa pechay sa pamamagitan ng pagbabanlaw nito ng tatlong beses. Ligisin ang makakapang asin sa dahon ng pechay habang binbanlawan ito.

Dahon per dahon ang paghuhugas ng pechay.


6. Itabi.

Extenders
1. Hiwain ng manipis ang labanos.

Hiwain ang Korean radish ng ganito kanipis.


2. Hiwain ng Juliene style ang labanos at carrots.

Hiwain ang labanos at carrots na parang magpa-pancit ka lang.


3. Hiwain ang spring onion, kuchay at onion leeks ng may 2″ inches na haba.

Kuchay, spring onions at onion leeks.


4. Itabi.

Malagkit Mix
1. Lutuin ang malagkit mix sa 1 1/2 tasang tubig. Gumamit ng low fire. Consistency na parang pang-catsup ang dapat na lapot ng malagkit mix.

Parang catsup dapat yung consistency ng iyong malagkit paste.

Sweet-Spicy Mix
1. Hiwain ang mansanas at peras ng cube style. Itabi.
2. Hiwain ang sibuyas sa gitna. Itabi.
3. Balatan ang bawang. Itabi.
4. Balatan at hiwain ng parang cube ang luya. Itabi.
5. Ilagay ang sibuyas, bawang, at luya sa blender. I-blend hanggang sa wala nang makitang buong bahagi ng sibuyas, bawang at luya.
6. Isunod sa blender ang mansanas at peras. I-blend hanggang sa wala nang makitang buong bahagi.
7. Isunod sa blender ang patis.

Ibe-blender ang mga ito, kasama na yung malagkit mix para gumawa ng isang spicy-sweet-salty paste.


7. Isunod sa blender ang nalutong malagkit mix.

Damay-damay na ito. Sibuyas, bawang, patis, mansanas, peras, malagkit at tubig.

Kimchi Proper
1. Sa isang malaking lalagyan (tupperware o di kaya ay sa isang palanggana), paghalu-haluin ang chili powder, sweet-spicy mix, bagoong at extenders.

Fruit-spicy mix ang unang nilagay sa chili powder.

Next ang bagoong.

Isunod na yung mga dahon-dahon na yan.

Sunod yung mga crunchies, carrots at labanos.


2. Haluin lang ng haluin. Anghang na may alat at tamis ang dapat na maging lasa ng mix na ito.

Mix ka lang ng mix ha? Sing-gulo ng isip mo pag broke ka at ayaw kang bayaran ng mga taong may utang sa yo. Ganung level dapat!

3. Ikalat ang kimchi spread sa bawat dahon ng pechay.

Ikalat-kalat lang ang chili mix sa bawat dahon ng pechay.

4. Ilagay sa sterilized na bote.

Dagil mahabang pabilog ang final shape ng pechay, madali syang maipapasok sa bote. Punasan na lamang ng tissue paper ang bibig ng bote pagkatapos para mas malinis tingnan.

5. Pwede nang kainin ang kimchi matapos ang 24 oras.

Tsaran ang finished product - 11 bote na tig 32-ounces, saka 1 bulinggit na naligaw.

Tips
Chili Powder – ito ay mabibili sa isang typical na Korean store. Piliin yung brand na may kinang ang pagkapula ng label nito, ito yung original.

Maraming di-masarap na chilli powder. Piliin yung may makintab na pagkapula.

Korean Radish – malalaman mong Korean radish sya, kung ang bunga ay mataba at maiksi. Ang Pinoy radish ay mahaba at mapayat.

Bagoong Replacements – Para mas malinamnam, pwedeng gumamit ng 1/4 na kilong sariwang talaba o di kaya ay 1/4 na kilong sairwang pusit (linisin, asinan at itago sa ref ng 1 linggo bago gamitin sa paggawa ng kimchi). Isama sa blender kapag ginagawa na ang sweet-salty-spicy malagkit paste.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s